Dalawang lucky bettors ang maghahati sa ₱30 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 25.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng dalawang mapalad na mananaya ang six-digit winning combination ng MegaLotto 6/45 na 04-34-02-28-42-20 kaya’t maiuuwi ng mga ito ang katumbas na premyong ₱30,052,036.20.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Anang PCSO, nabili ng mapalad na mga mananaya ang kanilang lucky tickets sa Consolacion, Cebu at sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Pinayuhan naman ng PCSO ang mga lucky winners na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanilang lucky tickets at dalawang balidong IDs upang makubra ang kanilang premyo.

Nagpaalala rin ito na ang lahat ng premyong lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% taxi alinsunod sa TRAIN Law habang ang lahat ng panalong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Samantala, patuloy namang nananawagan sa publiko sa PCSO General Manager Melquiades Robles na tangkilikin ang PCSO games upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.