Mapapasakamay na rin sa wakas ng isang lotto winner, na may nasirang ticket, ang kanyang napanalunang ₱12 milyong jackpot sa Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) siyam na taon na ang nakakaraan.

Ito ay nang tiyakin ni PCSO General Manager Melquiades Robles na tatalima ang kanilang tanggapan sa kautusan ng Korte Suprema na i-release na ang premyo sa nanalong dating overseas Filipino worker.

Nitong Miyerkules, Oktubre 25, nagtungo ang nasabing lotto winner sa PCSO at nakipagkita kay Robles.

“I assured him that I will expedite the process of his claim. Kailangan lang may certificate of finality from SC. I will make sure that he enjoys the fruits of his winnings ASAP. I wanted to put a closure on this issue," ani Robles.

Kamakailan, iniutos ng Supreme Court sa PCSO na i-release na ang ₱12,391,600 na napanalunan ng nasabing mananaya.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Matatandaang tumaya ang nasabing dating OFW ng tatlong lucky pick para sa Lotto 6/42 draw noong Oktubre 2, 2014 sa Batangas.