Sinabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. o PBBM na nakatutok siya ngayon sa pagpapababa ng presyo ng langis at pagpapalakas naman ng sistemang pangkalusugan sa bansa, ayon sa kaniyang Facebook post nitong Oktubre 24, 2023.

Aniya, "Nakatutok tayo sa pagpapababa ng presyo ng langis at pagpapalakas ng ating sistemang pangkalusugan."

"Padadaliin natin ang pamimigay ng fuel subsidy at pauunlarin ang paggamit ng alternatibo sa gasolina. Bubuo naman tayo ng Coordinating Council para sa mabuting implementasyon ng Universal Health Care Act, partikular na sa ating mga probinsya," dagdag pa niya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa isa pang Facebook post, ibinida ng pangulo ang paglagda sa United Nations Sustainable Development Cooperation Framework para sa 2024-2028, na layuning matalakay at matutukan pa ang mga usapin tungkol sa kalusugan, food security, at pagbabago sa klima.

"With the signing of the United Nations Sustainable Development Cooperation Framework for 2024-2028, we're on track to tackle critical issues such as food security, health, and climate action."

"In this partnership with the UN, we'll bridge divides, address inequalities, and ensure growth benefits all," aniya.