Inamin ng aktres na si Julia Montes na hirap umano siyang magkaroon ng totoong kaibigan sa showbiz nang makapanayam siya ni ABS-CBN news anchor Bernadette Sembrano-Aguinaldo noong Martes, Oktubre 24 sa ">vlog nito. 

“Siguro po kasi before I’m super open. ‘Yung bata na parang kung anong naiisip ko, sasabihin ko. Kasi parang feeling ko, walang other world. Kung ano ‘yung real life, ito ‘yung ano. Tapos iba pala. Iba pala sa showbiz. Iba pala ‘yung ganito. Ang dami palang hindi ko pa alam,” pahayag ni Julia.

Akala niya noon, kung ano ang buhay niya sa Pandacan, Manila ay ganoon din kapag pumasok siya sa showbiz industry. Pero hindi raw pala dahil tipong akala niya kaibigan niya, pero showbiz friend lang pala. 

“Kaya I’m very lucky na I have few. Sina Ate Dimples [Romana], Eda [Nolan], Kathryn [Bernardo]. Sila ‘yung mga parang key people ko na ‘pag di na ako okay. Tapos hindi sila showbiz sa akin. Pero na-meet ko sila sa showbiz industry na,” sabi pa ni Julia.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandaang nito lang nakaraan ay todo-suporta si Julia sa kaibigang si Kathryn Bernardo para sa pelikula nitong “A Very Good Girl” na kumita ng ₱10 milyon sa unang araw ng showing nito. 

Sa kabilang banda, nagpakita rin ng suporta si Kathryn sa pelikula nila ni Alden Richards na “Five Breakups and a Romance.”

MAKI-BALITA: Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo