Inaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group o PNP-ACG ang FlipTop emcee o "FlipTopper" na si Mark Kevin Andrade o Tipsy D at pito pa nitong kasamahan sa Balanga City, Bataan kamakailan.

Sinugod ng mga awtoridad ang lugar na kinaroroonan nina Tipsy D at nahuli nila sa akto ang mga ito habang live na nagpapa-raffle ng SUV online.

Ayon sa pulisya, wala raw permit mula sa Philippine Amusements and Gaming Corp o PAGCOR ang nasabing online gambling kaya dinakip ang mga suspek.

“Bakit ba pinagbabawal ng batas pag wala tayong license? Basically, kasi wala kang hahabulin. Wala silang permit, wala rin kayong assurance," pahayag pa ni Police Captain Michelle Sabino, spokesperson ng PNP Anti-Cybercrime Group.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Isinagawa ng PNP-ACG ang nasabing operasyon dahil umano sa sumbong ng PAGCOR noon pang Agosto.

Kinasuhan na ng paglabag sa Republic Act 1602 o illegal gambling sina Tipsy D at iba pa niyang kasama.