Nanindigan pa rin ang showbiz columnist na si Ogie Diaz na wala umanong mali sa sinabi niya tungkol kay Baron Geisler sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Oktubre 23.

Ito ay sa kabila ng inilabas na pahayag ng manager ni Baron na si Arnold Vegafria para pabulaanan ang ipinapakalat ng ilang showbiz reporters tungkol sa hindi umano magandang behavior ng aktor kaya matatanggal sa seryeng “Senior High”.

MAKI-BALITA: Arnold Vegafria nilinaw ‘behavior issue’ na muling ipinupukol kay Baron Geisler

Pero bago pa man ito, nauna nang magbigay ng pahayag si Baron sa kaniyang X account.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

MAKI-BALITA: Baron, nagsalita na sa isyung natatakot sa kaniya ang mga ‘Senior High’ co-star

“Wala ho akong dapat i-public apology,” sabi ni Ogie, “I stand by my story.”

Hindi naman daw kasi nila sinisiraan si Baron. Ibinabalita lang naman umano nila ang nagaganap at ginagawa ng aktor sa set ng “Senior High”. 

Matatandaan kasing tsinika kamakailan ni Ogie na balak na umanong tanggalin si Baron sa nasabing serye dahil natatakot daw ang mga katrabaho niya lalo na ang mga bata.

MAKI-BALITA: Baron Geisler, tatanggalin na sa ‘Senior High’?

Pero sabi raw ni Baron sa ipinadala niyang mensahe kay Ogie, maganda naman ang relasyon niya sa mga bata. Sa katunayan, kahit kay Andrea Brillantes ay wala namang isyu ang aktor.

Kaya ang kumakalat na isyu tungkol sa hindi umano magandang behavior ni Baron ay nakakasira sa kaniya lalo na’t may mga nakapila siyang proyekto na siyang pangunahing pinagkukunan niya ng pagkakakitaan para masustentuhan ang mga mahal sa buhay.

“Lahat naman sa atin may umaasa. Kaya tayo nagtatrabaho di ba. So dapat  mas pahalagahan natin, mahalin natin ‘yung trabaho natin para hindi mawala ang trabaho sa atin,” saad naman ni Ogie.