Nagpasalamat ang Danish singer na si Lukas Graham kay Filipino singer-songwriter JK Labajo matapos siyang samahan nito sa jamming, sa naganap na concert niya noong Linggo, Oktubre 22 dito sa Pilipinas.

Matatandaang kinanta ni Lukas ang "Ere" ni JK lalo na ang bahagi na may mura sa lyrics.

"10.22.2023 MANILA 🇵🇭," mababasa sa Instagram post ni Lukas.

"@juankarlos thank you for teaching me to sing in your language."

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Hindi pa tumutugon si Labajo sa comment section subalit marami sa mga netizen ang nagsabing dapat ay bumalik si Graham sa Pilipinas at mag-collab ulit ang dalawa.

Matatandaang inanyayahan ni Graham si Labajo na maki-jamming sa kaniya sa concert, nang magkomento ang "Ere" artist sa kaniyang post patungkol sa kaniyang "Lukas Graham Live in Manila."

Ang Ere ay record-breaking dahil ito ay kauna-unahang OPM na pumasok sa global hit chart ng Spotify.

MAKI-BALITA: JK Labajo ‘pinagmura’ si Lukas Graham

MAKI-BALITA: ‘Ere’ ni JK Labajo, unang OPM na nakapasok sa global chart ng Spotify

MAKI-BALITA: JK Labajo, inimbitahang mag-perform ni Lukas Graham