Hindi naiwasang maitanong ni showbiz columnist Ogie Diaz sa kaniyang vlog na “Showbiz Updates” noong Lunes, Oktubre 23, kung dapat bang pasalamatan ng “It’s Your Lucky Day” ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ rerelyebo sa ‘It’s Showtime’

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ inanunsyo na; ilang stars, nadagdag sa line-up ng hosts

Patuloy kasing namamayagpag ang relyebong noontime show sa time slot ng pinalitan nitong “It’s Showtime”. Lalo na’t nag-trending ito noong nakaraang magpa-survey ang host-actor na si Luis Manzano sa kaniyang Facebook account na kung sakali mang suwertihin silang bigyan ng ibang time slot para patuloy na umere, saan sila magandang ilagay? Before Showtime? O before TV Patrol?

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

MAKI-BALITA: ‘Before Showtime, Before TV Patrol?’ Luis may tanong sa netizens

Humirit pa nga si Luis ng biro sa mga executive ng ABS-CBN na sina Cory Vidanes at Carlo Katigbak na kaya umano pumunta ang dalawa sa studio ay para papirmahin sila ng bagong kontrata.

“Kaya nga feeling ko,” sabi ni Ogie, “blessing in disguise ito. Saka kung sakaling magtuloy-tuloy ito, mayroon ba silang dapat ipagpasalamat sa MTRCB?”

“Hindi, talagang everything happens for a reason,” sagot naman ni Mama Loi.

“Korek! Oo nga,” sang-ayon ni Ogie, “kasi may nabasa ako, dapat magpasalamat sa MTRCB kasi kung hindi nila sinuspinde ang “It’s Showtime” walang ganiyang magaganap.”

Matatandaang pinatawan noong Setyembre ng MTRCB ang “It's Showtime” ng 12-airing day suspension dahil umano sa mga natanggap na reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata”.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Nakatakdang bumalik ang “It’s Showtime” sa darating na Oktubre 27.