Sinampahan ng kasong kriminal ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, nitong Lunes, Oktubre 23.

Ito ay kaugnay pa rin ng kontrobersyal na “Ama Namin” drag performance ng drag queen.

Ipinasa umano ang reklamo ng KSMBPI, sa pangunguna ng abogadong si Leo Alarte, sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Sa 17-page complaint affidavit ng KSMBPI, inakusahan ng grupo si Pura ng paglabag sa Article 133 na tumutukoy sa “offending religious feelings” at Article 201 ng Revise Penal Code na tumutukoy naman sa “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows” kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Iginiit din ng grupo na isa umanong uri ng “pambabastos sa Panginoon” ang naging performance ni Pura.

Matatandaang inaresto si Pura noong Oktubre 4, 2023 sa Sta. Cruz, Manila kaugnay rin ng nasabing “Ama Namin” drag performance.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila

Ang naturang pagkaka-aresto kay Pura ay dahil umano sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig sa kasong isinampa ng mga miyembro ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central.

MAKI-BALITA: Mga deboto ng Itim na Nazareno, nagsampa ng kaso vs Pura Luka Vega

Inihayag naman kamakailan ni Pura na wala siyang nakukuhang abiso hinggil sa isinampang kaso ng mga miyembro ng HDN, kaya umano hindi siya nakakadalo sa mga pagdinig.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, wala pa raw nakukuhang abiso sa isinampang kaso ng Hijos Del Nazareno

Nauna nang nagsampa ng kaso laban kay Pura ang religious group na “Philippines for Jesus Movement” sa Quezon City Prosecutor’s Office.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega kinasuhan dahil sa ‘Ama Namin’

Bukod naman sa kinahaharap na mga kaso ni Pura, mahigit 20 mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara ng persona non grata laban sa kaniya kaugnay pa rin ng nasabing Ama Namin drag performance.

MAKI-BALITA: Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” saad naman ni Pura kamakailan hinggil sa pagkaka-persona non grata sa kaniya.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nag-react sa halos sunod-sunod na pagka-persona non grata