Ipinagtanggol ni showbiz columnist Ogie Diaz ang aktor na si Kapamilya actor Carlo Aquino na kumanta sa coronation night ng Miss Bacolod pageant kamakailan para haranahin ang mga kandidata.

Matatandaang inokray ng mga netizen ang naging performance ni Carlo dahil hindi nagustuhan ng mga tagapakinig ang falsetto nito.

MAKI-BALITA: Harana ni Carlo Aquino sa Miss Bacolod pageant, pinintasan

“Parang out of tune ba si Carlo doon?” tanong ni Mama Loi.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Hindi,” sagot ni Ogie, “nagpa-falsetto kasi…‘yung himig n’on e nagpa-falsetto. Siguro…hindi na-achieve ni Carlo successfully ‘yung pagpa-falsetto. Pero marunong kumanta si Carlo, ha.”

Naihanay na tuloy siya sa iba pang artista na inokray din dahil sa hindi magandang resulta ng kanilang panghaharana sa mga pageant gaya nina David Licauco, Luis Hontiveros, Albie Casiño, at Marco Alcaraz.

MAKI-BALITA: Harana ni David Licauco sa Miss Grand PH, naokray; Luis Hontiveros, ‘nakaladkad’

MAKI-BALITA: Harana ni Albie Casiño sa Mutya ng Cotabato pageant, kinaaliwan

MAKI-BALITA: Marco Alcaraz, naokray dahil sa panghaharana sa isang beauty pageant; Ogie Diaz, may payo sa aktor

Kaya sey ni Ogie, lesson learned na raw ito sa mga aktor na hindi naman kilala bilang singer. Kung alam na papalpak ang gagawing performance, mag-plus one na lang daw o kaya gawing pre-recorded na lang ang kanta tapos lalapatan na lang ng buka ng bibig o tinatawag na lipsync.