Naglabas ng kaniyang saloobin ang dating aktor at concert producer na si Robby Tarroza tungkol sa isyu ng hindi pa rin maipasa-pasang diborsyo sa bansa.

Hindi pa kasi legal ang diborsyo sa Pilipinas dahil ang kinikilala lamang ng batas ay annulment at legal separation.

Si Tarroza ay ang malapit na kaibigan ng namayapang si Francis Magalona na nagsabing hindi sila kasal ni Pia Magalona, at hindi kinikilala ng batas ng Pilipinas ang seremonya ng kasal ng dalawa sa Hong Kong.

Ito naman ang claim ng dating publicist ni Francis na si Pilar Mateo. Noong 2015, muling nakita ng mga netizen ang kaniyang Facebook post kung saan kasama niya ang dalawa sa Hong Kong noong 80s.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

MAKI-BALITA: ‘Resibo’ ng kasal nina Francis M at Pia sa Hong Kong, nakalkal

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Tarroza, totoo naman daw ito subalit muli niyang iginiit na hindi ito nire-recognize sa Pilipinas dahil kasal pa nga si Pia sa isang lalaking may apelyidong "Lim."

"Yes, true. But not recognized sa Pinas," aniya.

"Aralin sana nila ang batas tungkol sa marriage in the Philippines," aniya.

MAKI-BALITA: Robby Tarroza sa ‘kasal’ nina Francis M, Pia: ‘In short, kabit si Kiko sa papel!’

Sa panibagong FB post ni Tarroza, sinabi niyang "kasalanan" daw ng mga mambabatas kung bakit may mga isyu ng "kabit" sa Pilipinas.

Mababasa sa kaniyang post, "Sa totoo lang, ang may kasalanan sa mga issue ng KABIT, ay ang mga mambabatas natin! Bat kasi wala pa din tayo 'divorce' sa Pilipinas ??? Andami kasi sa kanila may mga kabit??? Andaming [batas] na dapat iammend or magpasa ng bagong batas! pinag aawayan nyo kung saan gagastusin mga pera ng bayan??? kalokohan po yan! help the freakin people with tax payers money! So many issues directly affecting filipino people! Just like the issue i have been fighting for, dual citizenship for Filipino [blooded] People."

Giit pa niya, "i’m already in talks to fix this with cong Michael L. Romero. sana this can be fixed! 🙏"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang sinumang mambabatas sa post na ito ni Tarroza.

MAKI-BALITA: Francis M sumaya sa piling ng iba, di kaya ugali ni Pia — producer Robby Tarroza

MAKI-BALITA: Rebelasyon ng concert producer: Pia, di kasal kay Francis M?