Puring-puri ni showbiz columnist Cristy Fermin si Kapamilya star Kathryn Bernardo sa “">Showbiz Now Na” noong Sabado, Oktubre 21.

Maligayang-maligaya raw kasi siya para kay Kathryn dahil sa mahabang panahong kinatatamaran ng mga Pilipino ang sariling pelikula ng bansa, gumawa ng marka ang pelikula nilang dalawa ni award-winning actress Dolly De Leon na pinamagatang “A Very Good Girl”.

At speaking of Ms. Dolly, tila ito raw ang magiging tulay ni Kathryn papuntang Hollywood. Matatandaang gumanap na si Dolly sa isang international film na pinamagatang “Triangle of Sadness” kung saan natanggap niya ang parangal bilang “Best Supporting Actress” mula sa Guldbagge Awards na ginanap sa Cirkus sa Stockholm, Sweden.

MAKI-BALITA: Dolly De Leon, panalo bilang ‘Best Supporting Actress’ sa Sweden

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Kapansin-pansin daw kasi ang biglang pagbabago sa porma at postura ni Kathryn matapos ang nasabing pelikula nila ni Dolly. Tila may pinaghahandaan itong isang mas malaking proyekto.

At kung sakali mang tulungan ni Dolly si Kathryn, mukhang hindi naman mapapahiya ang huli dahil hindi naman talaga maipagkakaila ang husay ng aktres na kinilala pa nga bilang “Outstanding Asian Star” sa 2023 Seoul International Drama Awards (SDA) noong Hulyo.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, kinilalang ‘Outstanding Asian Star’ sa Seoul International Drama Awards