Kinubra na ng isang 30-anyos mula sa Puerto Princesa ang napanalunang ₱36 milyon sa Lotto 6/42 na binola noong Setyembre 7, 2023.

Ito’y ayon sa inilabas na kalatas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Oktubre 23.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Napanalunan ng 30-anyos na lalaki ang ₱36,257,127.40 nang matagumpay niyang nahulaan ang winning combination na 03-31-15-19-10-27.

“Napakagandang biyaya nito para sa amin ng asawa ko. Sa katunayan po ay nagsisimula palang kaming bumuo ng sarili naming pamilya. Maraming salamat po sa PCSO sa mga ganitong pagkakataon na ibinibigay ninyo sa lahat ng kababayan natin na umaasa na may suwerteng darating sa buhay,” saad ng lucky winner sa kaniyang panayam sa PCSO nang kubrahin niya ang jackpot prize noong Setyembre 11.

Nabanggit din nito na halos 10 taon na rin siyang tumataya sa lotto. Plano niyang mag-invest sa real estate at magsimula ng negosyo gamit ang napanalunan.

Samantala, nagpaalala rin naman ang PCSO ang lahat ng lotto winnings na lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.