Nakikiusap na si Pope Francis nitong Linggo na wakasan na ng Israel at Hamas ang digmaan dahil sa pangambang lumawak pa ito.
Bukod dito, nanawagan din ang lider ng Roman Catholic Church na papasukin ang mas maraming humanitarian aid sa Gaza Strip.
"War is always a defeat, it is a destruction of human fraternity. Brothers, stop! Stop!" pahayag ni Pope Francis pagkatapos ng kanyang Angelus prayer sa Saint Peter's Square sa Rome.
Internasyonal
Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina
"I renew my call for spaces to be opened, for humanitarian aid to continue to arrive and for hostages to be freed," dagdag pa nito.
Matatandaang nilusob ng Palestinian militant group na Hamas ang Israel nitong Oktubre 7 na ikinasawi ng mahigit 1,400 katao.