Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Linggo ng gabi, Oktubre 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:53 ng gabi.
Namataan ang epicenter nito 125 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar, na may lalim na 22 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.