Bumaba ng 52 porsyento ang bilang ng mga napapatay sa anti-drug operations ng gobyerno ngayong 2023, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
National
Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?
Sa pahayag ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, ang nasabing datos ay mula Hulyo 2022 hanggang Setyembre 2023.
“There was a 52 percent decrease in the number of drug-related fatalities during operations initiated by the PDEA, dropping from 40 deaths in the previous period of 2020-2021 to only 19 deaths recorded from July 2022 to September 2023,” anang opisyal.
Aniya, ang bagong diskarte nila laban sa ilegal na droga ay alinsunod na rin sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Nakatuon aniya ang kanilang hakbang sa community rehabilitation, paghuli sa mga drug syndicate at tiwaling opisyal ng pamahalaan.