Flinex ng isang leaf artist ang kaniyang likhang-sining matapos niyang itampok ang sikat na international singer na si Taylor Swift, sa pamamagitan ng paggawa ng leaf portrait.

Personal na ibinahagi ni Deejay Gregorio sa Balita, isang photographer at leaf artist mula sa Camarines Sur, ang kaniyang mga kuhang larawan sa kaniyang natatanging artwork, gayundin ang TikTok video niya rito.

Photo courtesy: Deejay Gregorio

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Deejay, inamin niyang isa siya sa "Swifties" o tawag sa mga tagahanga at tagasuporta ni Taylor Swift.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi raw kasi siya nakanood ng Eras Tour ni Taylor sa film edition na ipinalabas at pinilahan dito sa Pilipinas.

"I just want to share the Leaf Portrait I made of Taylor Swift. I wasn't able to watch the Taylor Swift Eras Tour Film in the cinema, so I made up for it at home while listening to her songs," aniya.

Photo courtesy: Deejay Gregorio

Ito raw ang naisip niyang paraan upang ipakita at ipahayag ang kaniyang paghanga sa award-winning international singer.

"I am a fan, and I want to show my appreciation to her as a great artist."

"Nagawa ko po yung dalawang portrait sa loob ng isang oras, gamit ang scalpel at dried jackfruit leaf," aniya pa.

Sana nga ay makarating daw kay Taylor ang kaniyang artwork, at dumating ang panahong ma-shout-out siya nito o kung susuwertihin, ay makadaupang-palad ito nang personal.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!