Dambuhalang kalabasa ba kamo? š
Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang kalabasa sa California, USA bilang pinakamabigat na kalabasa sa buong mundo matapos umanong umabot ang timbang nito sa mahigit 1,200 kilos.
Sa ulat ng GWR, natanggap ng kalabasa ni Travis Gienger, isang verteran pumpkin grower, ang world title na āall-time heaviest pumpkinā noong Oktubre 9, 2023 matapos umano itong timbangin at mapag-alamang 2,749 lb (1,246.9 kg) ang eksaktong bigat nito.
āThis is about 180 times the size of the typical pumpkin youāll buy at the supermarket to carve your traditional jack oālantern this Halloween season šš»,ā saad ng GWR.
āTo put it another way, itās about enough pumpkin to make more than 1,600 pies! š„§,ā dagdag pa nito.
Kinuwento naman umano ni Gienger na itinanim niya ang dambuhalang kalabasang pinangalan niyang āMichael Jordanā noong Abril 2023, kung saan 184 araw umano niya itong inalagaan bago anihin.
Talagang worth it naman ang naging pag-aalaga ni Gienger kay āMichael Jordanā dahil bukod sa GWR title, nanalo rin umano ito sa 50th edition ng Safeway World Championship Pumpkin Weigh-Off sa California, USA kamakailan, kung saan $24,700 umano ang natanggap niyang premyo.