Maraming nakaabang kung anong tugon, reaksiyon o pahayag ng pamilya Magalona sa naging pasabog kamakailan ni Abegail Rait tungkol sa yumaong "King of Rap" ng OPM na si Francis Magalona o Francis M.
Sa kabilang banda, tila tahimik si Pia at iba pang mga anak, maliban kay Frank Magalona na nag-like sa X post ng isang netizen patungkol sa "homewrecker" at "mistress."
Pero hindi nakaligtas sa mga netizen ang tila cryptic posts daw ni Maxene sa kabila ng mga ingay na lumiligid ngayon sa pumanaw na ama.
Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram story, na naglaho na, ang isang post mula kay American political activist at singer-songwriter na si Laura Dawn.
"Shout out to everyone who's learning how to transmute scared rage into acts of kindness."
Sa kaniyang Instagram post naman, may pag-share si Maxene na quote mula kay Mahatma Ghandi, sikat na Indian lawyer.
"Peace is its own reward," aniya.
Kalakip nito ang mga larawan niya habang nasa beach sa La Union at tinatanaw ang sunset.
View this post on Instagram
Abala si Maxene sa pagpo-promote ng sunset meditation at gentle yoga, gayundin sa pagbibigay ng talk kaugnay sa cancer patients.
View this post on Instagram
So habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa talagang pormal na pahayag ang kampo ng mga Magalona tungkol sa isyu.
MAKI-BALITA: Maxene inurirat tungkol kay Francis M; Saab, inusisa kung nakita na sis sa tatay