Ibinida ng isang comic artist ang kaniyang ginawang comic story na may pamagat na "Encantadics," halaw mula sa patok na fantasy-magical themed series na "Encantadia" ng GMA Network.

Makikita sa Facebook post ni Kenn Joseph Louie J. Cabrera ang kaniyang comic story.

"I'm thrilled to share with you some pages from my comic 'Encantadics,' which is based from the popular Filipino fantaserye 'Encantadia,'" mababasa sa kaniyang post.

"Encantadics is inspired by two incredible students I had back in 2019, Ailyn and Jomarie, who were so in loved with Science despite not getting high scores in science exams. The characters go by the names Ai-Ai and Jo-Jo, with Oinky as their pig pet in the story, and together, they will help explain science concepts in Grade 5 Quarter 3 to the Sang’gres: Amihan, Pirena, Danaya, and Pirena."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"This comic will be in different languages, especially in my mother tongue to help children learn simple science concepts at home. I have observed many children who have a genuine love for science and a strong grasp of scientific concepts but struggle to pass science exams because of the language used in the assessments."

"I hope that my material can provide them and others with a little extra support in fostering their love for science…and of course, the love for reading."

"However, as much as I'd love for this material to be used during this school year, my iPad was damaged, resulting in the loss of all my enhanced pages. Nevertheless, I'm still hopeful that I'll be able to see my comic in print and share it with children."

"By the way, it took me years to finish the drawings using pencils, ballpoint pens, sign pens, and white pens (kay tapulan man ko mag-drawing). Ayaw ako niyo i-bash kay dili ako Professional Comic Artist. 😂"

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Kenn Joseph, siya ay tubong Tandag City, Surigao del Sur at naging guro sa pampublikong paaralan sa Falcon Memorial Elementary School.

Sa kasalukuyan, siya ay nasa Vanderbilt University, Tennessee, USA dahil sa kaniyang Fulbright DAI Scholarship Program.

Bakit niya naisipang gawin ang Encantadics?

"Naisipan ko pong gawing ang Encantadics kasi fan po talaga ako ng Encantadia kahit noong 2005 version pa po. I found out kasi na mahilig din yung mga bata ng Encantadia (yung latest Encantadia) kaya ginamit ko po yung mga characters para i-explain yung mga concepts sa Science 5."

"Nagtuturo po kasi ako sa mga batang medyo kapos sa mga materials at mga batang medyo ayaw nilang magbasa, kaya naisip kong gamitin ang talento ko para ma-hook yung attention nilang magbasa, na kahit nasa bahay sila ay may babasahin silang educational."

"I took a vow to dedicate my life and use my skills to help kids, providing them with as many opportunities as I can."

"Si Jojo at si Ai-Ai po ay hango po sila sa dati kong mga estudyante na mahilig sa Science kahit hindi gaanong matataas Yung scores nila sa mga assessments. I understand how assessments can be oppressive for children like them, even if they have a strong interest in the subject."

"Kahit sa mga discussions namin po rito sa Peabody College, Vanderbilt University, standardized assessments don’t give justice sa mga ganung bata."

Ilang oras, linggo o buwan natapos?

"More than a year po kasi I am a lazy artist at marami pong gawain sa work hehe. Sana po pagbalik ko sa Pilipinas ay maipamigay ko po yung gawa ko," paliwanag niya.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!