Isinusulong ng Quezon City government ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan, gayundin sa  mamamayan ng lungsod.

Isinagawa ang culminating activity ng "Kuha sa Tingi" program nitong Biyernes. Layunin ng programa na mabawasan ang paggamit ng single-use plastic product at sachet sa mga sari-sari store.

Sa social media post ng pamahalaang lungsod, nagpatupad ito ng walong linggong pilot-run ng programa sa 30 Tindahan ni Ate Joy partners kung saan nabawasan ang paggamit ng tinatayang 47,000 sachet sa lungsod.

Metro

Sa dami ng nagkakasakit: ER sa ilang ospital sa QC, puno na sa pasyente

Sa kasalukuyan, apat na produkto ang maaaring mabili nang tingi gamit ang reusable containers sa mga tindahan. Ito ay dishwashing liquid, fabric softener, liquid detergent, at multipurpose cleaner.

Ipinaliwanag naman ng alkalde ng lungsod, mas mapalalawak pa ito at mahikayat pa ang mamamayan at mga tindahan na gumamit ng zero-waste products.