Naitanong ni Jun Nardo sa isang episode ng Marites University noong Biyernes, Oktubre 20, kung bakit wala umano si Kapuso actress Barbie Forteza sa launching ng first business ng kaniyang jowang si Jak Roberto.

Makikita sa Instagram post ni Jak noong Biyernes ang ilang kuhang larawan sa nasabing launching ng kaniyang negosyong JC Essentials na ang produkto ay skin care at personal care para sa mga lalaki.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

View this post on Instagram

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Kapansin-pansin naman na sa sampung larawang in-upload niya, hindi man lang nahagip sa camera maski ang anino ng kaniyang jowang si Barbie.

“Baka naman may taping. Pero bumawi naman siya [Barbie]. Nag-post nga siya ang aga-aga,” paghihinuha naman ni Rose Garcia.

“Congratulations, mahal ko! @jakroberto. I’m so proud of you! You’ve always wanted to have your own business and now you've made it come true! Enjoy every moment. You deserve it. Mahal na mahal kita ❤️” saad ni Barbie sa caption ng kaniyang post.

At may pahabol pa: “see you tonight 🥰”

“Thank you Madam! I love you so much ❤️❤️❤️” tugon naman ni Jak.

Matatandaang kamakailan ay ibinahagi ng Sparkle Artist Center sa kanilang Instagram account ang magkasamang picture nina Barbie at ng leading man nitong si David Licauco sa TV adaptation ng “Maging Sino Ka Man” habang nakasakay ang dalawa sa eroplano papuntang Hongkong para sa isa umanong proyekto.

Kaya sabi ni Rose, baka hindi umabot si Barbie sa mismong araw ng launching ng business ni Jak kaya wala ito roon. Pero ang mahalaga, nagkita ang dalawa kinagabihan.