Milyon-milyong jackpot prizes na naman ang naghihintay sa mga mananaya ng lotto ngayong Sabado, Oktubre 21.

Base sa inilabas na jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), papalo sa ₱44 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 habang nasa ₱15 milyon naman ang Lotto 6/42.

Hinihikayat ng ahensya ang mga lotto bettor na sumugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paboritong numero.

National

₱52.2M jackpot: Walang nanalo sa October 20 lotto draw

Dagdag pa nito, sa halagang ₱20 ay puwede nang maging instant milyonaryo.

Samantala, walang nanalo sa naganap na Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes, Oktubre 20.

Maki-Balita: ₱52.2M jackpot: Walang nanalo sa October 20 lotto draw