Sumalang si “Love Before Sunrise” star na si Matet de Leon sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.

Itinanong ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda kay Matet kung ano raw ang ginawa ng huli para maging mabuting anak sa ina nitong si Superstar Nora Aunor.

“Kapag binabalikan mo, what could you have done to become a better daughter?” tanong ni Tito Boy.

Tugon ni Matet: “Siguro po ‘yung ipilit ko ‘yung sarili ko sa kaniya.”

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Noong bata raw kasi sila, laging busy si Nora. Kaya ang dating sa kanilang magkakapatid, gusto nitong magpahinga na lang at huwag nang istorbohin pa. Pero it turns out na gusto pala nitong lambingin at kulitin.

“So, we could have done that more noong bata,” sabi pa ni Matet.

Hindi tuloy naiwasang maibahagi ni Tito Boy ang isang kuwento ng mag-asawa na halos kahawig ng pinagdaanan ng relasyon nina Matet at Nora bilang mag-ina.

“You know why it means a lot to me now? Sa telepono on my way to studio, I was talking to friend. She’s a doctor now. Napagkuwentuhan lang namin. Because there was a point na muntik silang maghiwalay ng kaniyang asawa–but they’re good now. Di ko kasi maintindihan kung bakit hindi maregalo, malambing [...] Until she discovered that all he wanted was for her na sabihin; na ito ang gusto ko; sana nagdi-dinner tayo,” kuwento ni Boy.

Kaya sabi ni Matet, siguro mas natanggal niya ang pagod ni Nora noon kung hinila niya ang kaniyang mga kapatid para yayain ang mga ito na imasahe, halimbawa, ang kanilang ina.

“Siguro mas naging buo ‘yung relasyon namin. Or mas marami akong naging memories or kami with her when we younger,” dagdag pa niya.