Dahil sa oil spill: BOC, nag-donate ng 1,700 litrong diesel fuel sa Mindoro
Aabot sa 1,722 litrong diesel fuel ang ibinigay na donasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill kamakailan.
Sa nasabing donasyon ay tinanggap ni Oriental Mindoro Provincial Disaster Risk Reduction and Management officer Vincent Gahol nitong Huwebes.
Tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan na ipamamahagi nila ang diesel fuel sa 900 na mangingisda na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa oil spill.
Matatandaang tumagas ang 800,000 litrong industrial fuel oil ng MT Princess Empress matapos na lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro dulot malakas na hampas ng hangin at malalaking alon habang bumibiyahe patungong Iloilo mula Limay, Bataan noong Pebrero 28, 2023.