Naungkat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang isang kuwento tungkol sa aktor na si Baron Geisler sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Huwebes, Oktubre 19.

Matatandaan kasing naging usap-usapan kamakailan ang napipintong pagtatanggal kay Baron sa teleseryeng “Senior High” dahil tila bumabalik ulit sa pagiging alcoholic ang aktor.

“Alam n’yo po, mga ka-chika, kahit gaano pa kagaling na artista ang isang aktor o aktres kapag naibabawan na po at tinalo ng attitude problema na tinatawag, hindi manghihinayang ang produksiyon na tanggalin kung mas marami ang maaapektuhan negatively,” saad ni Cristy.

Kaya siguro hindi na rin napigilan pa ng showbiz columnist na isiwalat sa kaniyang vlog ang kuwento tungkol sa negatibong epekto na idinulot ng alak kay Baron noong minsang makainuman nito ang radio-TV host at writer na si Jobert Sucaldito.

Tinawag na lutang, lugaw, madumb: Leni 'di minura at nagbantang ipapatay si Digong

“Niyaya siya ni Baron Geisler isang gabi: ‘Tito Jobs, inom naman tayo.’ Dinala siya ni Jobert sa isang bar. Inuman, inuman, kuwentuhan, kuwentuhan. Maayos. Maayos sila. Noong tinatamaan na ng agua-de-pataranta itong si Baron Geisler, tinitigan niya nang matindi si Jobert. Sabi niya, ‘I think I’m gonna kill someone tonight,’” kuwento ni Cirsty.

Mayroon daw kasing pinagtalunang isyu ang dalawa na hindi na naman idinetalye pa ni Cristy. Kaya ang ginawa umano ni Jobert, tinawag na ang waiter para magbayad at saka umalis.

Hirit pa ng showbiz columnist: “Mahirap na nga naman. ‘Yung inilibre mo na, nagkuwentuhan kayo pero noong maapektuhan na, may plano na pala sa ‘yo.”

Tila naikonekta naman ni Romel Chika ang pinag-uugatang takot ng mga kasamahan ni Baron sa “Senior High” dahil sa kuwentong ito ng kaniyang co-host: “Kaya pala sa set natatakot ‘yung mga kasamahan niya ‘pag tumitig na daw ito, nanlilisik na.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang panig ni Baron tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Baron Geisler, tatanggalin na sa ‘Senior High’?