Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Oktubre 20, na 70.23% o 651 sa 927 examinees ang nakapasa sa October 2023 Chemical Engineers Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Robby Andre Tan Ching mula sa De La Salle University – Manila bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 90% score.

Hinirang naman bilang top performing school ang University of the Philippine Diliman matapos itong makakuha ng 100% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Oktubre 14 hanggang 16, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi at Rosales.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Ayon pa sa PRC, nakatakdang maganap ang online appointments para sa issuance ng Professional ID at Certificate of Registration para sa bagong chemical engineers sa Disyembre 13 hanggang 15 at Disyembre 18 hanggang 19, 2023.

“Initial registrants are advised to register online via PRC official website https://online.prc.gov.ph/ and follow the steps in online registration,” saad ng PRC.