Naglabas ng saloobin ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa “Showbiz Updates” tungkol sa bilang ng mga lumahok na pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival 2023.

Matatandaang kamakailan lang ay pinangalanan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kalahok na pelikula para sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 sa kanilang official Facebook page.

MAKI-BALITA: Official entry ng mga pelikula sa MMFF 2023, pinangalanan na

 Pero tila hindi sang-ayon dito si Ogie dahil madadagdagan ang mga magkakalaban.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“‘Yun ngang walo hirap na ‘yung last five humabol sa first three,” pahayag ni Ogie nitong Huwebes, Oktubre 19.

Dagdag pa niya: “Tapos ang masaklap niyan, ano ba usapan sa mga sinehan? Tatapusin ‘yung one week bago magtanggal ng sine doon sa mga sineng mahihina.”

“Dapat ganoon,” pagsang-ayon ni Mama Loi.

“Kawawa ‘yung iba. Kasi ‘yung iba, first day last day,” saad pa ni Ogie.

“Madalas nga ‘yan, Nay, isyu kapag MMFF,” segunda ni Mama Loi.

Kaya tanong ni Ogie: “Anong batas nila doon? Anong rekomendasyon nila sa theatre circuit–sa mga samahan ng theatre?”

Bukod pa rito, nabanggit din ni Ogie ang tanong ng bayan na kung bakit hindi kasama ang Shake, Rattle, and Roll. Lalo na’t wala ang mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto.

MAKI-BALITA: Nadine Lustre, Nora Aunor atbp., inisnab sa MMFF 2023?