Sinigurado ni Senador Raffy Tulfo na patuloy ang suporta ng gobyerno sa mga Pinoy na apektado ng giyera sa bansang Israel.

Nakipagpulong si Tuldfo sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasama ang ilang mambabatas sa DFA Central Office para pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga Pinoy sa Israel na nasa gitna pa rin ng giyera laban sa armadong grupong Hamas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Patuloy pa din ang close monitoring sa mga Filipino community sa mga lugar na apektado ng giyera kabilang na ang Israel, Gaza at West bank pati ang mga kalapit na bansa. May contingency plan na din ang gobyerno sakaling mas lumala ang sitwasyon sa rehiyon," ani Tulfo, chairperson ng Committee on Migrant Workers.

May ilang mga OFW na raw ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na umuwi sa Pilipinas dahil sa kaguluhan sa nasabing bansa.

Kabilang na dito ang 16 na OFW at isang sanggol na sinalubong ni Tulfo mula Israel na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

"Gagawin ang lahat ng gobyerno para masigurong ligtas at maayos na makakabalik ang mga OFW dito sa Pilipinas. May mga ayuda ring ibibigay para sa mga nakabalik na sa bansa at scholarship mula sa TESDA para sa kanilang mga anak," saad niya.

"Puspusan din na nagtratrabaho ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa repatriation ng mga Pinoy sa Israel," dagdag niya.

Sinabi rin ng senador na kasiya siya sa pagdarasal para sa kaligtasan ng mga Pinoy na naipit sa kaguluhan. Nangako rin siya na hindi titigil ang pamahalaan sa pagbibigay tulong at suporta sa mga Pilipino sa Israel.