Ipinagmalaki ni Manila Mayor Honey Lacuna na humakot ng mga parangal ang lungsod sa idinaos na 18th Pearl Awards ng Department of Tourism (DOT), bunsod na rin nang masigasig nilang pagtataguyod ng turismo.

Ayon kay Lacuna, limang awards ang natanggap ng lungsod sa katatapos na 18th Pearl Awards ng DOT at ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP), na ginawa sa Boracay Newcoast Hotel, Malay, Aklan kamakailan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Narito ang listahan ng mga nakuhang parangal ng Maynila:

Grand Winner - Best Tourism Promotions Award Brochure - City for the "Timeless Treasures: Discover the Manila Clock Tower Museum Brochure”

Grand Winner - Best Tourism Event: Religious Festival - City for  "Traslacion 2022: A Transformative Religious Event”

First runner up - Best Tourism Week or Monthly Celebration Award-City for "Tourism Reboot: Creating Opportunities for Manila”

Second runner up— Best Tourism Promotions Video Awards - City for "Anak ng Maynila" at certificate of recognition nang maging finalist sa the Best Oriented Local Government Unit Award- City Category ang Maynila.

Nagpaabot din ang alkalde ng labis na pasasalamat sa award-giving body sa ibinigay na pagkilala sa lungsod, “the awards will serve as an inspiration for  her and the city officials concerned to strive more and do even better in the years to come.”

“The awards are a validation that the city of Manila is doing the right thing in promoting tourism and exerting all-out efforts to attract tourists, both local and international,” aniya pa.

Pinuri rin ng alkalde ang mga kawani at liderato ng DTCAM, partikular na ang hepe nito, dahil sa walang pagod na pagtatrabaho upang ang kanyang mga plano at programa tungo sa  “Magnificent Manila” ay magkaroon ng katuparan sa lalong madaling panahon.

Sa kanyang panig, nagpasalamat rin si Dungo, na siya ring hepe ng Association of Tourism Officers - National Capital Region, sa ATOP-DOT dahil sa mga karangalang iginawad sa Maynila, gayundin kay Lacuna, na ayon sa kanya ay all-out ang suporta kaya naman nagiging madali ang kanilang trabaho, pati na rin sa implementasyon ng mga plano at proyekto para sa turismo.