Inanunsiyo ng Toll Regulatory Board (TRB) nitong Huwebes na lalahok na rin sa isinasagawang dry run ng contactless toll collection ang 6th batch ng mga toll plazas sa bansa.

Sa inilabas na advisory, sinabi ng TRB na simula sa Oktubre 23, 2023, lalahok na rin sa dry run ang Meycauayan NB at SB Toll Plazas; Marilao NB at SB Toll Plazas; Bocaue Interchange NB at SB Toll Plazas; Tambobong NB Toll Plaza; Sta. Rita SB Toll Plaza; San Fernando SB Toll Plaza; Dau NB Toll Plaza; at Sta. Ines Toll Plaza ng North Luzon Expressway (NLEX).

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Sa nasabing petsa rin naman sasali sa dry run ang Mabiga NB at SB Toll Plazas; Clark North Toll Plaza; Concepcion Toll Plaza; Hacienda Luisita Toll Plaza; Clark South A and B Toll Plazas; Dinalupihan Toll Plaza at Tipo Toll Plaza ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Sa Oktubre 25 naman, sasali na rin sa dry run ang iba pang toll plazas ng NLEX, kabilang ang Mindanao Toll Plaza; Karuhatan Toll Plaza; Karuhatan Interchange NB at SB Toll Plazas; Paso de Blas NB at SB Toll Plazas; Bocaue Main Barrier Toll Plaza; Balagtas Toll Plaza; at San Fernando NB Toll Plaza, gayundin ang Tarlac Toll Plaza ng SCTEX.

Ayon sa TRB, tanging piling toll plazas lamang ang lalahok sa naturang dry run.

Ang mga toll plaza naman na hindi kasali sa dry run ay patuloy na mangungolekta ng tolls sa pamamagitan ng ETC (RFID) lanes at cash lanes.

“On participating toll plazas, motorists with no RFID stickers shall be directed to a safe place/location where he can pay the toll fees in cash, and shall be persuaded to have an RFID sticker installed,” anito pa. “Though cash payment of toll fees is still allowed, motorists are encouraged to switch to RFID for a faster and more convenient entry and exit at the toll plazas.”

Matatandaang upang maging maayos at episyente ang dry-run ay ipinatupad ito ng batches.

Una nang lumahok dito ang una hanggang ikalimang batch ng mga toll plazas nitong mga nakalipas na buwan.