“Kami po ngayon ay nag-submit ng sinumpaang salaysay na naaayon po sa imbestigasyon na ginagawa ng NBI. At ‘yun lang po ang nangyari,” anang abogado sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes.
Matatandaang naglabas ng subpoena ang NBI laban kay Tumbado upang pasiputin ito sa pagsisimula ng pagsisiyasat ng NBI nitong Oktubre 16 kaugnay ng alegasyon nito na idiniliber ni Guadiz ang corruption money kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Gayunman, kaagad na binawi ni Tumbado ang alegasyon nito laban kina Guadiz at Bautista at sinabing "nabigla lamang ito sa kanyang nagawa at magulo rin ang pag-iisip nito."
Sa kanyang sinumpaang salaysay, binanggit nito na tumawag umano sa kanya si Guadiz at nagmamakaawa na linisin ang kanyang pangalan at reputasyon.