Muling nakatikim ng sita mula kay Ogie Diaz ang isa sa mga "Linlang" cast member na si Anji Salvacion, gayundin ang katambal niya rito na si Kice, na naging contestant sa "Idol Philippines Season 2."
Ang Linlang ay teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu, JM De Guzman, at Paulo Avelino na eksklusibong mapapanood sa Prime Video sa pamamagitan ng subscription.
Number 1 na nga ito sa nabanggit na online streaming at trending na rin ang mga eksena.
Sa panibagong paninita ni Ogie kina Anji at Kice sa X, sinabi ng showbiz columnist na nagpapa-acting workshop din sa aspiring artists, na parang naka-botox ang mukha ni Anji kaya hindi makita ang facial lines. Si Kice naman daw ay parang kinakain ang mga linya niya.
"Episode 5 & 6 na, malakas na sana ang presence ni Anji, pero scripted pa din ang delivery ng lines, saka parang naka-botox ang mukha, kaya hindi makita ang facial lines. Si Kice, kinakain ang linya. Make this as your motivation, mga bagets, to be better next time.βοΈπ," aniya.
https://twitter.com/ogiediaz/status/1714805971955192205
Sa isa pang X post, pinuri pa ni Ogie ang batang gumanap na anak nina Kim at Paulo sa serye, na mas magaling pa raw sa ibang cast members.
"Mahusay yung batang gumanap na Abby, anak nina Juliana at Victor. Mas mahusay sa ibang nasa cast. π #Linlang."
Bukod kay Anji at Kice, hindi rin nakaligtas ang bida nitong si Kim sa "sita" ni Ogie.
"Si Kim Chiu kung minsan, bumibitaw sa character ni Juliana. Kumi-Kim Chiu ang ibang nuances. Pero madalas naman siyang Juliana. #Linlang on Prime Video."
https://twitter.com/ogiediaz/status/1714804332254953680
Puring-puri naman siya kay Paulo na hindi raw bumibitaw sa kaniyang karakter.
"Bitin na naman ako sa #Linlang. Nyeta! Ang husay-husay ni@mepauloavelino! Consistent sa kanyang character. Nuances, gestures β siya si Victor, hindi bumibitaw sa karakter. πππ."
https://twitter.com/ogiediaz/status/1714802254497329516
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Anji at Kice tungkol dito.
MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nilinaw ang puna kina Anji at Kice sa βLinlangβ
MAKI-BALITA: Ogie Diaz ano raw βKβ magpa-acting workshop; sumagot sa hanash