Sinuspinde ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang implementasyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023, ayon sa Office of the Executive Secretary (OES) nitong Miyerkules, Oktubre 18.

Naka-address ang memorandum, na inilabas ng Office of the President (OP), sa Bureau of the Treasury, Land Bank of the Philippines, at Development Bank of the Philippines (DBP).

"With reference to the IRR of RA No. 11394, and upon the directive of the President, the Treasurer of the Philippines, in coordination with the LBP and DBP, is hereby DIRECTED to suspend the implementation of the IRR of RA No. 11954 pending further study thereof, and to notify all concerned heads of departments, bureaus, offices and other agencies of the executive department, including GOCCs, of such action," mababasa sa memorandum na may petsang Oktubre 12, 2023, at may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

PBBM, nilagdaan na ang Maharlika Investment Fund Act of 2023

Ayon kay Bersamin, iniutos ni Marcos ang suspensyon dahil nais umanong pag-aralan nang maigi ng pangulo ang IRR ng batas.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. issued a suspension because he wanted to study carefully the IRR to ensure that the purpose of the fund will be realized for the country's development with safeguards in place for transparency and accountability.”

Matatandaang pinirmahan ni Marcos ang Maharlika Investment Fund o ang Republic Act 11954 noong Hulyo 18.

Ayon kay Marcos, ang MIF ay magbibigay-daan sa Pilipinas para lumahok sa mahahalagang pamumuhunan nang walang karagdagang pag-utang.

MAKI-BALITA: PBBM, nilagdaan na ang Maharlika Investment Fund Act of 2023