Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN kaugnay sa mga programa nilang umeere sa A2Z noong Martes, Oktubre 17.
“Simula 5 Nobyembre 2023, ilan sa ABS-CBN programs na napapanood sa A2Z tuwing Miyerkules, Biyernes, at Linggo ay magbibigay-daan sa PBA games season 48.
“Mapapanood naman ng A2Z viewers ang primetime programs na ‘FPJ’s Batang Quiapo’, ‘Can’t Buy Me Love’, ‘Senior High’, at ‘The World of A Married Couple’ sa TV5.
“Tuwing Linggo, mapapanood rin ang ‘Everybody, Sing!’ at ‘I Can See Your Voice’ sa TV5 at may delayed telecast ang mga ito sa A2Z pagkatapos ng PBA games.
“Suportado ng ABS-CBN at A2Z ang pagbabagong ito na magiging epektibo tuwing may PBA games.
“Maraming salamat, mga Kapamilya, Kapatid, at Ka-A2Z sa patuloy ninyong pagmamahal at suporta sa aming mga programa.
Matatandaang noong nagkaroon ng contract signing sa ang ABS-CBN sa A2Z at TV5 kaya umeere ang ilang shows ng ABS sa dalawang nabanggit na network dahil sa blocktime agreement.
MAKI-BALITA: ABS-CBN, TV5 nagpirmahan ng kontrata para sa five-year content agreement