Tuluyan nang naglabas ng anunsyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga magiging opisyal na kalahok na pelikula para sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 sa kanilang official Facebook page nitong Martes, Oktubre 17.

Matapos ang masusing deliberasyon, 10 pelikula mula sa 30 isinumite ang pasok dito: ito ay ang “When I Met You In Tokyo, na pagbibidahan nina Christopher De Leon at Vilma Santos, "Firefly" ni Alessandra de Rossi, "Gomburza” nina Enchong Dee, Cedrick Juan, at Dante Rivero, "Mallari" ni Piolo Pascual, "Becky and Badette" nina Eugene Domingo at Pokwang, ”Broken Hearts Trip” ni Christian Bables, “(K) ampon” nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez, “A Family of 2 (A Mother And Son’s Story)” nina Sharon Cuneta at Alden Richards, at "Penduko" nina Matteo Guidicelli at Kylie Verzosa, at "Rewind" nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Marami naman ang nalungkot at nagtataka kung bakit hindi napasama sa listahan ang nagbabalik na "Shake, Rattle, and Roll EXTREME" na gaya ng dating ay ensemble cast na pinangungunahan nina Iza Calzado at Jane De Leon, ang "Nokturno" ni Nadine Lustre, at "Pieta" ni Superstar Nora Aunor.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Marami tuloy ang dismayado lalo na ang faney ni Nadine dahil kung matatandaan, hakot awards si President Nadine at ang pelikulang "Deleter" sa nagdaang MMFF 2022.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang committee sa mga umaalmang fans sa pagkaka-etsa puwera sa tatlong nabanggit.