Usap-usapan ang maling anunsyo ng hunk actor na si Marco Gumabao sa Miss Bacolod 2023 pageant kamakailan.

Sa kumakalat na video clip mula kay "Aksyon Dale Salazar," makikitang inihahayag na ni Marco ang huling kalahok na pasok sa Top 5.

Ang bilang ng kandidatang tinawag niya ay candidate number 5. Nagpalakpakan at naghiyawan na ang audience.

Subalit makikitang isang staff ang lumapit kay Marco at tila may nilinaw rito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Agad na kumambyo si Marco at humingi ng dispensa sa kaniyang "Steve Harvey" moment.

"Sorry nagkaroon po tayo ng kaunting pa-suspense," saad ni Marco.

"Okay, sure na kami, ito na," salo naman ng kaniyang co-host.

"Mali po ang nakasulat sa papel," paliwanag ni Marco.

Nagbiro pa si Marco na nagkaroon siya ng "Steve Harvey moment."

Ang tunay na kandidatang pasok sa Top 5 ay si candidate number 15.

"Once again, I'm so sorry about that," pahabol pang dispensa ng hunk actor.

(Video courtesy: Aksyon Dale Salazar / FB via Fashion Pulis)

Matatandaang hindi na bago ang pagkakamali kay Marco pagdating sa pag-anunsyo sa pageants.

Sa ginanap na Miss Universe Philippines National Costume 2023 noong Mayo 4, 2023, nakatanggap sila ng kritisismo ng partner host na si Miss Universe Philippines Gazini Ganados dahil sa ilang mga pagkakamali at naging camaraderie nila sa hosting job.

Hindi raw nagustuhan ng marami ang ginawang pag-cut ni Marco sa sasabihin ni Gazini sa isang portion kung saan tila nagpapaalam na si Gazini, samantalang hindi pa raw naanunsyo ang top 3 sa National Costume na siyang highlight ng event.

Sana raw, kahit marami nang pagkakamali si Gazini, naging maayos pa rin ang pagtatama rito ni Marco. Kapansin-pansin din umano na tila “nasasapawan” ni Marco si Gazini at tila nakakalimutang may co-host siya.

Si Steve Harvey ay ang nagkamaling host noon sa pag-anunsyo ng Miss Universe 2015, na pinagwagihan ni Pia Wurtzbach.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Marco tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: ‘Lutang moments?’ Marco, Gazini inokray sa hosting ng MUPh NatCos 2023