May bago nang direktor ang Manila Police District (MPD), sa katauhan ni PCOL Arnold Thomas Ibay.

Si Ibay ay pormal nang naupo sa puwesto nitong Miyerkules ng umaga, kasunod ng idinaos na turn-over of command ceremony sa punong tanggapan ng MPD sa United Nations Avenue, Ermita, Manila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinalitan ni Ibay sa puwesto si PBGEN Andre Dizon, na itinalaga naman upang maging Acting Director para sa Retirement and Benefits Administration Service ng Philippine National Police (PNP).

Pinalitan ni Dizon sa naturang posisyon si PBGEN Niño David Rabaya, na itinalaga namang Acting Deputy Director for Comptrollership.

Bago naging Acting MPD chief, si Ibay ay dating Senior Executive Assistant to the Office of the Chief PNP.

Ang change of command ceremony ay dinaluhan ni Manila Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, na nagsilbing Guest of Honor at Speaker ng okasyon.

Si Acting National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director PBGEN Jose Melencio Nartatez Jr., ang siya namang nagsilbing Presiding Officer sa seremonya.