Tampok ang tsikahan nina Juna Nardo, Ambet Nabus, Rose Garcia, at DJ Jhai Ho sa “Marites University” tungkol sa sinuspindeng “It’s Showtime” noong Martes, Oktubre 17.

Nang magsimula raw kasi ang 12-day suspension ng nasabing noontime show, tila ine-enjoy ng host na si Vice Ganda ang moment na kasama nito ang kaniyang inang si Mommy Rosario.

“Kasi may nakita ako noong mismong day, di ba nabanggit ni Petite na nanonood si Meme [Vice Ganda]? Ta’s after noong programa, di ko tanda kung same ‘yun, e. Na parang bumiyahe sila ni Mommy Rosario–”

“Papuntang Sorsogon–” biglang agaw ni Ambet sa nagsasalitang si DJ Jhai Ho.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Bawi naman ni DJ Jhai Ho: “Parang nag-airport sila na birthday celebration daw. Ganyan.”

Dagdag pa niya: “Tapos nakita ko parang feeling ko it’s about time for Meme para i-unwind, i-relax ‘yung mind niya. Kasi nakita ko ‘yung even ‘yung wig niya binalik niya ‘yung black niya na wig na normal.”

“‘Yun ang basa mo sa ganoon?” singit ulit ni Ambet na ang tinutukoy ay ang pagpapalit ng wig ni Vice. 

“Oo, parang feeling ko gusto muna niyang umatras…sa mga ingay.” sagot ni DJ Jhai Ho.

Sabi naman ni Rose: “Actually, totoo naman. ‘Yung two weeks na ‘yan, pabor pa nga ‘yan, e, like kay Meme o sa ibang hosts na talagang hirap na hirap kumuha ng time para magbakasyon. So ito, parang in a way ‘blessing in disguise.”

Pero kahit malayo umano si Vice, tuloy daw lagi ang Zoom meeting. Hindi raw kasi papayag ang mga ito na pagbalik nila; iyo’t iyon ang makikita ng mga tao. Same format. Walang bago.

Matatandaang noong Oktubre 13 ay pansamantalang nagpaalam ang mga host ng “It’s Showtime” nasabing noontime show na pinangunahan ni Vhong Navarro. 

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ pansamantalang nagpaalam sa madlang people

Ito ay matapos nilang hindi iapela sa Office of the President ang suspensiyon ng noontime show dahil sa pagbasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa isinumite nilang motions for reconsideration.

MAKI-BALITA: ABS-CBN, hindi aapela sa OP kaugnay ng suspensiyon ng It’s Showtime

MAKI-BALITA: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime