Tinawag daw ng Bureau of Corrections (BuCor) ang atensyon ng producers ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na pinagbibidahan at dinidirehe ni Coco Martin, dahil hindi nagugustuhan ng una ang depictions ng sitwasyon ng mga bilangguan sa nabanggit na serye. 

Ayon sa ulat ng "Politiko" na nailathala nitong Martes, Oktubre 17, ipinatawag daw ng BuCor ang producers ng show upang mapag-usapan ang kanilang concerns. Dumalo raw sa nabanggit na diyalogo sina Coco Martin, anak ni Senador Lito Lapid na si Mark Lapid, at ABS CBN chief operating officer Cory Vidanes. 

Ang nakausap daw nila ay si BuCor Director General Grogorio Pio Catapang Jr. Ang nagpadala ng pormal na letter sa tanggapan ng ABS-CBN ay si BuCor Deputy Director General Al Perreras.

Sang-ayon pa sa ulat, humingi raw ng dispensa si Coco sa buong BuCor at nagpaliwanag na wala siyang masamang intensyon upang pagmukhaing masama ang mga namumuno sa likod ng mga bilangguan. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Batay raw sa naging pahayag ni Coco, “Kaya po kami [narito] ngayon para personal po na humingi ng paumanhin pero wala po kaming ng intensiyon na manira or makasakit. Huwag po kayong mag-alala at lahat naman po ng 'yan ay binabalanse natin."

Ito naman daw ang sagot ni Catapang, "I look forward to seeing those characters who are playing villains in your series will be exposed and persecuted or redeem themselves to show to the public that crime does not pay and the long arm of the law will catch up for those who disregarded it."

Matatandaang ang karakter ng bagong pasok sa serye na si Jaclyn Jose ay nag-uutos kay Tanggol (Coco Martin) na maging "hitman" kasama ang karakter ng Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi. 

Samantala, wala pang pormal at opisyal na pahayag ang pamunuan ng Batang Quiapo at ABS-CBN tungkol sa isyung ito. Matatandaang hindi ito ang unang beses na na-call out ng isang komunidad ang serye.