Pinarangalan ang comedy genius na si Michael V. o mas kilala bilang “Bitoy” ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Assn. Inc. bilang “Ginintuang Ani” sa entertainment noong Lunes, Oktubre 16.
Sa kaniyang official Facebook page, pinasalamatan ni Bitoy ang award-giving body at pinarangalan pa niya ang kaniyang mga professor at guro.
“I would like to honor my PLM professors and most especially my teachers with this award.”
“Magkaiba po sila [guro at professor],” paglilinaw ni Bitoy. “Being a “professor” remains a profession until your students actually learn from you. Teachers have a strong impact and a lasting impression on their students.”
Kaya hiling niya sa mga guro: “Please continue by showing us how things are done and teaching us how to do it.”
“Wala pong ‘Ginintuang Ani’ kung walang ginintuang punla,” sabi pa niya.
Tila tuloy-tuloy ang dating ng blessings sa buhay ng comedy genius. Matatandaang kamakailan lang ay pinarangalan siya ng Film Development Council of the Philippines bilang isa sa mga new breed of comedians.