Flinex ni dating “Pinoy Big Brother” housemate KD Estrada ang tila pa-thirst trap niyang larawan sa kaniyang Instagram account noong Martes, Oktubre 17.

Apron lang kasi ang pang-itaas na suot nito habang nakabuka ang mga braso. Nagsisilbi namang background ang tila pangalan ng kaniyang magiging negosyo: “Cookin’ Jam by KD”.

“soon ?,” saad ng aktor sa kaniyang post.

At dahil nga sa suot ni KD, hindi tuloy naiwasang magkomento ng ka-love team niyang si Alexa Ilacad:

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

“Bakit boldstar?”

Naaliw naman ang mga netizen sa tanong na ito ng aktres. Narito ang kanilang mga komento:

“@alexailacad try lng namn lex flex muscles nya..”

“@alexailacad paki sabihan na lex. Nananahimik kami dito oh.”

“@alexailacad lex akala ko ikaw photographer nya eh”

“@alexailacad Paano mo kinakaya Alexa? ??? hot ng jowa mo!!!”

“Kiddy lalong maiinlove sayo c babe Alexa mu pogi na magaling pang magluto?”

Matatandaang bago ang ABS-CBN Ball 2023, pagkain ang kinasangkapan ni KD para pumayag si Alexa na maging date nito sa nasabing pagtitipon.

MAKI-BALITA: KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’