Pinangalanan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kalahok na pelikula para sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 sa kanilang official Facebook page nitong Martes, Oktubre 17.

Matapos ang masusing deliberasyon, narito ang anim pang pelikula mula sa 30 isinumite na kokompleto sa nasabing film festival: 

- “When I Met You In Tokyo, na pagbibidahan nina Christoper De Leon at Vilma Santos; 

- "Firefly" na pagbibidahan ni Alessandra De Rossi; 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

- "Gomburza" na pagbibidahan nina Enchong Dee, Cedrick Juan, at Dante Rivero; 

- "Mallari" na pagbibidahan ni Piolo Pascual;

- "Becky and Badette” na pagbibidahan nina Eugene Domingo at Pokwang; at

- ”Broken Hearts Trip” na pagbibidahan ni Christian Bables.

Narito naman ang apat na iba pang pelikulang makakasama sa MMFF 2023 na nauna nang ianunsiyo noong Hulyo: 

- "Rewind" na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera; 

- "A Mother And Son's Story" na pagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards;

- "Penduko" kung saan tampok sina Matteo Guidicelli and Cristine Reyes; at

- "(K) ampon"  na gagampanan nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez.