“Hanggang ngayon hindi pa nila sinasabi sa akin kung sino.”

Wala pa rin umanong ideya si Quezon City Mayor Joy Belmonte kung sinong “VIP” ang tinutukoy ng isang pulis na nag-viral dahil sa pagpapahinto ng daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Wala talaga akong alam […] usually kasi sabihin na nating may isang issue… usually ano ‘yan eh, nakikipag-ugnayan ang pulis sa DPOS (Department of Public Order and Safety) sa city government,” saad ni Belmonte sa kaniyang ambush interview sa mga mamahayag nitong Lunes, Oktubre 16.

“Usually ‘yung mga pulis hindi gumagawa ng desisyon na wala kaming alam eh. Pero in this case, wala kaming alam talaga. Hindi namin alam. Biglaan talaga. So hindi ko alam at hanggang ngayon hindi pa nila sinasabi sa akin kung sino,” dagdag pa niya.

Matatandaang kumalat kamakailan sa social media ang isang video ng pulis na pinangalanang si Executive Master Sergeant Verdo Pantollano na nagpahinto sa trapiko sa Commonwealth Avenue.

Nag-viral ang naturang video, dahilan kaya’t naglabas din kamakailan ng pahayag ang Office of the Vice President (OVP) upang pasinungalingang si Duterte ang naturang “VIP” (very important person) na sangkot sa pagpapahinto ng trapiko.

MAKI-BALITA: OVP, may pahayag sa isyung si VP Sara umano ang dahilan ng viral traffic incident sa QC