Nagbigay ng ilang paalala si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga kandidato para sa nalalapit na 2023 Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), tatlong araw bago opisyal na magsimula ang campaign period.

Ayon kay Lacuna, mahalagang istriktong sumunod sa regulasyong itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa halalan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Anang alkalde, ang paglalagay ng campaign materials sa ilang pampublikong lugar ay mahigpit na ipinagbabawal mula October 19 hanggang 28.

Kabilang aniya dito ang mga publicly owned electronic announcement boards tulad ng LED display boards, LCD monitors, at iba pang other government property.

Bawal din sa mga government-owned vehicles tulad ng patrol cars, ambulances, at iba pang sasakyan na may government license plates.

Gayundin sa public transportation vehicles na pag-aari at kontrolado ng gobyerno tulad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit (LRT), Philippine National Railways (PNR), at iba pang uri ng public transportation.

Hindi rin pinahihintulutan ang pagpapaskil ng campaign materials sa mga waiting shed, sidewalk, kalsada at lamp post, electrical post, traffic sign, pedestrian overpass at underpass, flyover at underpass, mga tulay, center island at highways.

Bawal din sa mga paaralan, public shrines, barangay hall, government offices, health centers, public structures o buildings; at public transportation terminals, na pag-aari at kontrolado ng gobyerno tulad ng bus terminals, airports, seaports, docks, piers, train stations, at iba pang tipo ng  terminals.

Paalala pa ni Lacuna, base sa Comelec rules and regulations, ang paglalagay ng legal campaign materials ay pinapayagan lamang sa mga designated common poster areas at private properties.