Napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Oktubre 16, ang “It’s Your Lucky Day” na pumalit sa sinuspindeng noontime show na “It’s Showtime”.

Ayon kay Cristy, huwag daw sabihing inilampaso ng relyebong show na “It’s Your Luck Day” ang katapat nitong noontime show na “E.A.T.” dahil napakalayo umano ng agwat ng huli sa una.

“Kung pagbabasehan po natin ang mga numero ng mga nanood at sumusubaybay sa kanila kahit sa online, 118,000 versus [82,000],” pahayag ni Cristy.

Malabo rin umanong matalo ng kahit anong noontime show ang E.A.T. dahil nakauna na raw ito; malayo na ang narating kumbaga.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Nasa finish line na kasi ito [E.A.T.], e. Nakauna na, e. Lahat ng mga sumusunod, tumatakbo pa rin. Parang ganoon. Sila na ‘yung nakahawak na doon sa lubid,” dagdag pa ng showbiz columnist.

Pero kahit ganoon, marami pa rin umanong nagandahan sa “It’s Your Lucky Day” hindi gaya sa pumalit sa orihinal na Eat Bulaga.

“Dahil sa ano kasi, sa komento ng ating mga kababayan, kaawa-awa talaga ‘yung pumalit sa orihinal na Eat Bulaga. ‘Yun ang talagang [pinag-iinitan] ngayon…Dadalawang libo ‘yung nakatutok sa kanila online.”

Napuri din ng netizen ang pagiging humble umano ni Luis Manzano matapos niyang “bumusina” sa mga kasabayang noontime show gaya ng “E.A.T.”, “Eat Bulaga”, at ang pinalitang “It’s Showtime”.

Matatandaang kamakailan lang ay tinawag pa siyang “pambansang host” at pinusuan pa ang “inclusivity” ng kaniyang show.

MAKI-BALITA: Pinusuan sa ‘inclusivity!’ Luis Manzano binabansagang ‘pambansang host’ – Balita