Posibleng ulanin ang ilang bahagi ng bansa ngayong Martes, Oktubre 17, dahil sa northeasterly surface windflow, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang northeasterly surface windflow ng maulap na kalangitan at may kasamang mga pag-ulan sa Batanes, Cagayan, at Isabela.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang posibleng maranasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa northeasterly bunsod ng northeasterly surface windflow at ng localized thunderstorms.

National

VP Sara, inaming naging ‘cold’ si Sen. Imee: ‘Wag mainis sa’kin, mainis siya kay Martin!’

Posible rin umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.