Naglabas din ng saloobin si dating Senador Leila de Lima tungkol sa mga naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa paggamit niya ng confidential at Intelligence funds (CIF) para magsagawa umano ng extra-judicial killings sa Davao City noon.
“As we've been saying, sa bunganga na mismo ng berdugo nanggagaling ang ebidensya,” saad ni De Lima sa kaniyang X account nitong Martes, Oktubre 17.
“Undeniable admissions against interest. Plain hubris & on-your-face impunity!” patutsada pa niya.
https://twitter.com/AttyLeiladeLima/status/1714170528125407687
Matatandaang kamakailan sinabi ni Duterte sa panayam ng SMNI na ginamit niya ang kaniyang confidential at Intelligence funds (CIF) para magsagawa umano ng extra-judicial killings sa kaniyang mga nasasakupan sa Davao City noong alkalde pa siya.
“Ang intelligence fund, binili ko. Pinapatay ko lahat, kaya gano’n ang Davao… Pinatigok ko talaga, ‘yun ang totoo,” saad ni Duterte sa isang video sa naturang panayam.
Dahil dito, ipinadala ng Magdalo group ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang TV footage ng dating pangulo sa ICC. At hinimok din niya ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na payagan ang International Criminal Court (ICC) na pumasok sa Pilipinas upang imbestigahan ang “war on drugs” ni Duterte.
Maki-Balita: Trillanes, hinimok gov’t na payagan ang ICC na imbestigahan ‘drug war’ ni ex-Pres. Duterte
Sa pinakahuling update ni Trillanes, natanggap na umano ng ICC ang TV footage.
Maki-Balita: TV footage ng pahayag ni ex-pres. Duterte tungkol sa ‘EJK’, natanggap na ng ICC—Trillanes
Kaugnay na Balita: 2 state witnesses ng huling drug case, bumawi ng mga testimonya vs De Lima
https://balita.net.ph/2023/10/17/2-state-witnesses-ng-huling-drug-case-bumawi-ng-mga-testimonya-vs-de-lima/