Hindi naparalisa ng transport strike nitong Lunes ang operasyon ng pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR).

Ito ang pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes sa isinagawang pulong balitaan sa MMDA Central Office sa Pasig nitong Oktubre 16.

“Kung ang purpose ng strike ay i-paralyze ang public transportation, nabigo po sila. Pero kung ang purpose nila ay magpapansin, siguro nagtagumpay sila sa ganoong aspeto. Nabigyan siya ng airtime, na-interview siya,” aniya.

National

Sen. Bato kung magpapakabato, samahan si FPRRD!—Trillanes

Aniya, nagkaroon ng build-up ng mga pasahero sa ilang lugar sa Metro Manila at ito ay karaniwan na lamang kapag Lunes.

Ang nationwide transport strike ay isinagawa ng grupo ni Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (Manibela) chairman Mar Valbuena bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.