Naglabas ng pahayag si Senador Grace Poe tungkol sa nangyayaring hacking sa mga website ng gobyerno.

Kamakailan lamang sunod-sunod ang mga nangyayaring hacking incident. Ilan sa mga na-hack na website ay ang Philippine Health Insurance Corporation, Department of Science and Technology, at Philippine Statistics Authority.

Website ng Kamara, inatake ng hackers

Ang huling na-hack ay ang website ng House of Representatives nito lamang Linggo, Oktubre 15.

Maki-Balita: Website ng Kamara, inatake ng hackers

“The DICT and concerned agencies must put a halt to what is turning out to be a hacking spree of government websites,” saad ni Poe nitong Lunes, Oktubre 16.

“At stake are not only important government records, but sensitive data that could compromise the country's security,” dagdag pa niya.

Nanganganib aniya ang mga personal information ng mga tao dahil sa data breach.

“Data breaches also jeopardize personal information of the people, whose own accounts may be subjected to hacking or unwanted exposures,” anang chairperson ng Senate committee on public services.

Dahil dito, pinayuhan niya ang bawat ahensya ng gobyerno na mamuhunan para sa mas pinalakas na cyber security infrastuctures.

“Departments and agencies must invest in strong cyber security infrastructures to safeguard public records,” ani Poe.

“Hindi pwedeng business as usual at maghintay na lang sa susunod na biktima ng data breach. Kailangan matigil ang hacking at mapanagot ang mga salarin,” dagdag pa niya.